-
Isaias 38:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
38 Nang panahong iyon, nagkasakit si Hezekias at malapit nang mamatay.+ Dumating ang propetang si Isaias+ na anak ni Amoz at sinabi nito sa kaniya, “Ito ang sinabi ni Jehova: ‘Magbilin ka na sa sambahayan mo dahil mamamatay ka; hindi ka na gagaling.’”+ 2 Humarap si Hezekias sa dingding at nanalangin kay Jehova: 3 “Nakikiusap ako sa iyo, O Jehova, alalahanin+ mong lumakad ako sa harap mo* nang may katapatan at buong puso,+ at ginawa ko ang mabuti sa paningin mo.” At umiyak nang husto si Hezekias.
-