-
Isaias 39:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
39 Nang panahong iyon, ang hari ng Babilonya, si Merodac-baladan na anak ni Baladan, ay nagpadala ng mga liham at ng regalo kay Hezekias,+ dahil nabalitaan niyang nagkasakit ito at gumaling na.+ 2 Masaya silang tinanggap ni Hezekias* at ipinakita niya sa kanila ang kaniyang imbakan ng yaman+—ang pilak, ang ginto, ang langis ng balsamo at iba pang mamahaling langis, ang buong taguan niya ng mga sandata, at ang lahat ng nasa mga kabang-yaman niya. Walang bagay sa sarili niyang bahay* at sa kaniyang buong kaharian na hindi ipinakita sa kanila ni Hezekias.
-