-
2 Cronica 34:16-18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 Pagkatapos, dinala ni Sapan sa hari ang aklat at sinabi: “Ginagawa ng mga lingkod mo ang lahat ng iniatas sa kanila. 17 Kinuha nila ang perang nasa bahay ni Jehova, at ibinigay nila iyon sa mga inatasan at sa mga manggagawa.” 18 Sinabi rin ng kalihim na si Sapan sa hari: “May aklat na ibinigay sa akin ang saserdoteng si Hilkias.”+ At binasa iyon ni Sapan sa harap ng hari.+
-