Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 12:3-14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Sabihin ninyo sa buong bayan ng Israel, ‘Sa ika-10 araw ng buwang ito, ang bawat isa sa kanila ay dapat kumuha ng isang tupa+ para sa sambahayan ng ama niya, isang tupa para sa isang sambahayan. 4 Pero kung maliit ang sambahayan para kainin ang isang buong tupa, sila* at ang pinakamalapit nilang* kapitbahay ay maghahati sa tupa sa loob ng bahay nila. Hahatiin ito depende sa bilang ng tao at sa kayang kainin ng bawat isa. 5 Ang tupa ninyo ay dapat na malusog+ at isang-taóng-gulang na lalaki. Puwede kayong pumili ng isang batang tupa o kambing. 6 Aalagaan ninyo iyon hanggang sa ika-14 na araw ng buwang ito,+ at pagdating ng takipsilim* ay papatayin iyon ng bawat sambahayan sa kongregasyon ng Israel.+ 7 Kukuha sila ng dugo, at lalagyan nila ng dugo ang dalawang poste ng pinto at ang itaas na bahagi ng pasukan* ng mga bahay kung saan nila ito kakainin.+

      8 “‘Kakainin nila ang karne sa gabing iyon.+ Iihawin nila iyon at kakainin kasama ng tinapay na walang pampaalsa+ at ng mapapait na gulay.+ 9 Huwag ninyong kainin ang anumang bahagi nito na hilaw o pinakuluan sa tubig, kundi inihaw, ang ulo kasama ang mga binti at laman-loob nito. 10 Huwag kayong mag-iiwan ng tira hanggang kinaumagahan; pero kapag may natira sa umaga, sunugin ninyo iyon.+ 11 Sa ganitong paraan ninyo iyon kakainin: suot ang inyong sinturon at sandalyas* at hawak ang inyong baston; at dali-dali ninyong kainin iyon. Ito ang Paskuwa ni Jehova. 12 Dahil dadaan ako sa lupain ng Ehipto sa gabing ito at papatayin ko ang lahat ng panganay sa Ehipto, mula sa tao hanggang sa hayop;+ at maglalapat ako ng hatol sa lahat ng diyos ng Ehipto.+ Ako si Jehova. 13 Ang dugo ay magsisilbing tanda sa mga bahay na kinaroroonan ninyo; makikita ko ang dugo at lalampasan ko kayo, at hindi kayo maaapektuhan ng salot kapag pinarusahan ko ang Ehipto.+

      14 “‘Dapat ninyong alalahanin ang araw na ito, at ipagdiriwang ito ng lahat ng henerasyon bilang kapistahan para kay Jehova. Isa itong batas hanggang sa panahong walang takda.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share