Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 23:36, 37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 36 Si Jehoiakim+ ay 25 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya nang 11 taon sa Jerusalem.+ Ang kaniyang ina ay si Zebida na anak ni Pedaias na taga-Ruma. 37 Patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova;+ tinularan niya ang lahat ng ginawa ng mga ninuno niya.+

  • Jeremias 24:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 “‘Pero tungkol sa pangit na mga igos na napakapangit at hindi makakain,+ ito ang sinabi ni Jehova: “Gayon ko pakikitunguhan si Haring Zedekias+ ng Juda, ang kaniyang matataas na opisyal, ang natira sa mga taga-Jerusalem na naiwan sa lupaing ito, at ang mga nakatira sa lupain ng Ehipto.+

  • Jeremias 37:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 37 At si Haring Zedekias+ na anak ni Josias ay nagsimulang mamahala kapalit ni Conias*+ na anak ni Jehoiakim, dahil inilagay siya ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya bilang hari sa lupain ng Juda.+ 2 Pero siya at ang mga lingkod niya at ang mga tao sa lupain ay hindi nakinig sa mga sinabi ni Jehova sa pamamagitan ng propetang si Jeremias.

  • Jeremias 38:5, 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Sumagot si Haring Zedekias: “Kayo na ang bahala sa kaniya, dahil hindi kayo mapigilan ng hari.”

      6 Kaya kinuha nila si Jeremias at inihulog sa imbakan ng tubig ni Malkias na anak ng hari, na nasa Looban ng Bantay.+ Ibinaba nila si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. Walang tubig sa imbakan ng tubig, kundi puro putik, at si Jeremias ay nagsimulang lumubog sa putik.

  • Ezekiel 21:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 25 “O ikaw na nasugatan nang malubha, ang napakasamang pinuno ng Israel,+ dumating na ang araw mo, ang oras ng paglalapat ng parusa na tatapos sa iyo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share