-
Jeremias 27:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 “‘“‘Kung ang isang bansa o kaharian ay tatangging maglingkod kay Haring Nabucodonosor ng Babilonya at hindi magpapasailalim sa pamatok ng hari ng Babilonya, paparusahan ko ang bansang iyon sa pamamagitan ng espada,+ taggutom, at salot,’* ang sabi ni Jehova, ‘hanggang sa malipol ko sila sa pamamagitan ng kamay niya.’
-
-
Jeremias 43:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10 Pagkatapos, sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Ipapatawag ko si Nabucodonosor* na hari ng Babilonya, na lingkod ko,+ at ilalagay ko ang trono niya sa ibabaw ng mga batong ito na itinago ko, at ilalatag niya ang kaniyang maringal na tolda sa ibabaw ng mga iyon.+
-
-
Daniel 4:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 “Ito ang mensahe ni Haring Nabucodonosor para sa lahat ng bayan at bansa sa buong lupa na iba’t iba ang wika: Magkaroon nawa kayo ng saganang kapayapaan!
-