Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 29:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  3 Magtatayo ako ng mga kampo sa palibot mo,

      At paliligiran kita ng mga bakod na tulos

      At papalibutan ng mga harang.+

  • Jeremias 32:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 Kinukubkob noon ng mga hukbo ng hari ng Babilonya ang Jerusalem, at ang propetang si Jeremias ay nakakulong sa Looban ng Bantay+ na nasa bahay* ng hari ng Juda.

  • Jeremias 32:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 Kaya ito ang sinabi ni Jehova, ‘Ibibigay ko ang lunsod na ito sa mga Caldeo at sa kamay ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, at bibihagin niya ito.+

  • Jeremias 39:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 39 Noong ikasiyam na taon ni Haring Zedekias ng Juda, nang ika-10 buwan, dumating sa Jerusalem si Haring Nabucodonosor* ng Babilonya at ang buong hukbo niya, at pinalibutan nila ito.+

  • Jeremias 52:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Nang ikasiyam na taon ng paghahari ni Zedekias, noong ika-10 araw ng ika-10 buwan, lumusob sa Jerusalem si Haring Nabucodonosor* ng Babilonya kasama ang kaniyang buong hukbo. Nagkampo sila at nagtayo ng pader na pangubkob sa palibot nito.+ 5 Pinalibutan nila ang lunsod hanggang sa ika-11 taon ni Haring Zedekias.

  • Ezekiel 4:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 “At ikaw, anak ng tao, kumuha ka ng isang laryo* at ilagay mo iyon sa harap mo. Iukit mo roon ang isang lunsod—ang Jerusalem. 2 Kubkubin* mo ang lunsod+ at magtayo ka ng pader na pangubkob,+ gumawa ka ng rampa,+ magtayo ka ng mga kampo, at palibutan mo iyon ng mga panggiba.+

  • Ezekiel 21:21, 22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21 Dahil ang hari ng Babilonya ay tumigil para manghula sa sangandaan, kung saan naghiwalay ang dalawang daan. Inalog niya ang mga palaso. Sumangguni siya sa mga idolo* niya; tumingin siya sa atay. 22 Jerusalem ang napili ng kanang kamay niya batay sa panghuhula, para doon maglagay ng panggiba, magpadala ng utos na pumatay, magbigay ng hudyat para sa pakikipagdigma, maglagay ng panggiba sa mga pintuang-daan, gumawa ng rampang pangubkob, at magtayo ng pader na pangubkob.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share