Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 21:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 ‘Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel: “Ibabaling ko sa inyo* ang mga sandatang hawak ninyo, na ipinanlalaban ninyo sa hari ng Babilonya+ at sa mga Caldeo na nasa labas ng pader at nakapalibot sa inyo. At titipunin ko ang mga ito sa gitna ng lunsod na ito.

  • Jeremias 39:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 Noong ika-11 taon ni Zedekias, nang ikasiyam na araw ng ikaapat na buwan, nabutas at napasok nila ang pader ng lunsod.+

  • Jeremias 39:4-7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Nang makita ni Haring Zedekias ng Juda at ng lahat ng sundalo ang mga Caldeo, tumakas sila,+ at lumabas sila ng lunsod pagsapit ng gabi. Dumaan sila sa hardin ng hari, sa pintuang-daan sa pagitan ng dalawang pader, at nagpatuloy sila sa daan ng Araba.+ 5 Pero hinabol sila ng hukbo ng mga Caldeo, at naabutan ng mga ito si Zedekias sa mga tigang na kapatagan ng Jerico.+ Nahuli siya ng mga ito at dinala kay Haring Nabucodonosor* ng Babilonya sa Ribla,+ sa lupain ng Hamat,+ kung saan siya hinatulan nito. 6 Ipinapatay ng hari ng Babilonya sa Ribla ang mga anak ni Zedekias sa harap niya, at ipinapatay ng hari ng Babilonya ang lahat ng prominenteng tao ng Juda.+ 7 Pagkatapos ay binulag niya ang mga mata ni Zedekias, at iginapos niya ito ng kadenang tanso para dalhin sa Babilonya.+

  • Ezekiel 33:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21 Nang maglaon, nang ika-12 taon, noong ikalimang araw ng ika-10 buwan ng aming pagkatapon, dumating ang isang takas mula sa Jerusalem at sinabi niya sa akin:+ “Bumagsak na ang lunsod!”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share