-
Jeremias 32:4, 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 at si Haring Zedekias ng Juda ay hindi makatatakas sa mga Caldeo, dahil ibibigay siya sa kamay ng hari ng Babilonya, at makikipag-usap siya rito nang harapan.”’+ 5 ‘Dadalhin niya si Zedekias sa Babilonya, at mananatili siya roon hanggang sa ibaling ko sa kaniya ang pansin ko,’ ang sabi ni Jehova. ‘Kahit patuloy kayong makipaglaban sa mga Caldeo, hindi kayo mananalo.’”+
-
-
Ezekiel 12:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 Kung tungkol sa pinuno nila, papasanin niya sa balikat ang mga gamit niya at aalis habang madilim. Bubutas siya sa pader at ilalabas doon ang mga dala niya.+ Tatakpan niya ang mukha niya para hindi niya makita ang lupa.’ 13 Ihahagis ko sa kaniya ang aking lambat para sa pangangaso at mahuhuli siya nito.+ At dadalhin ko siya sa Babilonya, sa lupain ng mga Caldeo, pero hindi niya iyon makikita; at doon siya mamamatay.+
-