-
1 Hari 7:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 At naghulma siya ng dalawang kapital na gawa sa tanso para ilagay sa ibabaw ng mga haligi. Limang siko ang taas ng bawat kapital.
-
-
Jeremias 52:21-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
21 Tungkol sa mga haligi, ang bawat isa ay 18 siko* ang taas, at mapaiikutan ito ng isang pisi na 12 siko ang haba;+ ang kapal nito ay apat na sinlapad-ng-daliri,* at walang laman ang loob nito. 22 At yari sa tanso ang kapital na nasa ibabaw nito; limang siko ang taas ng isang kapital,+ at gawa sa tanso ang lambat at mga palamuting granada* sa palibot ng kapital. Ganiyan din ang ikalawang haligi at ang mga palamuti nitong granada. 23 May 96 na granada sa palibot nito; lahat-lahat ay may 100 granada sa palibot ng lambat.+
-