8 Noong ikapitong araw ng ikalimang buwan, nang ika-19 na taon ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya, dumating sa Jerusalem si Nebuzaradan+ na pinuno ng mga bantay at isang lingkod ng hari ng Babilonya.+
9 Ipinatapon sa Babilonya ni Nebuzaradan+ na pinuno ng mga bantay ang lahat ng natira sa lunsod, ang mga kumampi sa kaniya, at ang lahat ng iba pang naiwan.
40Ang salita ni Jehova na dumating kay Jeremias matapos siyang palayain mula sa Rama+ ni Nebuzaradan+ na pinuno ng mga bantay. Kinuha siya nito nang nakaposas, at kasama siya sa mga bihag mula sa Jerusalem at sa Juda na ipatatapon sa Babilonya.