-
Jeremias 40:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Hindi pa nakaaalis si Jeremias nang sabihin ni Nebuzaradan: “Bumalik ka kay Gedalias+ na anak ni Ahikam+ na anak ni Sapan,+ na inatasan ng hari ng Babilonya sa mga lunsod ng Juda, at tumira kang kasama niya at ng bayan; o pumunta ka kung saan mo gusto.”
Pagkatapos, binigyan siya ng pinuno ng mga bantay ng pagkain at regalo at hinayaan na siyang umalis. 6 Kaya pumunta si Jeremias sa Mizpa,+ kay Gedalias na anak ni Ahikam, at tumira siyang kasama nito at ng mga taong naiwan sa lupain.
-