-
Josue 21:27-33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
27 At ang mga Gersonita,+ na mula sa mga pamilya ng mga Levita, ay tumanggap ng mga lunsod mula sa kalahati ng tribo ni Manases. Ibinigay sa kanila ang isang kanlungang lunsod para sa mga nakapatay, ang Golan+ sa Basan, at ang mga pastulan nito, pati ang Beestera at ang mga pastulan nito—dalawang lunsod.
28 At mula sa tribo ni Isacar:+ ang Kision at ang mga pastulan nito, ang Daberat+ at ang mga pastulan nito, 29 ang Jarmut at ang mga pastulan nito, at ang En-ganim at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
30 At mula sa tribo ni Aser:+ ang Misal at ang mga pastulan nito, ang Abdon at ang mga pastulan nito, 31 ang Helkat+ at ang mga pastulan nito, at ang Rehob+ at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
32 At mula sa tribo ni Neptali: isang kanlungang lunsod+ para sa mga nakapatay, ang Kedes+ sa Galilea, at ang mga pastulan nito, ang Hamot-dor at ang mga pastulan nito, at ang Kartan at ang mga pastulan nito—tatlong lunsod.
33 Ang lahat ng lunsod ng mga pamilya ng mga Gersonita ay 13 lunsod kasama ang mga pastulan ng mga ito.
-