-
Josue 21:34-39Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
34 At ang mga pamilya ng mga Merarita,+ na kabilang din sa mga Levita, ay tumanggap ng mga lunsod mula sa tribo ni Zebulon:+ ang Jokneam+ at ang mga pastulan nito, ang Karta at ang mga pastulan nito, 35 ang Dimna at ang mga pastulan nito, at ang Nahalal+ at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
36 At mula sa tribo ni Ruben: ang Bezer+ at ang mga pastulan nito, ang Jahaz at ang mga pastulan nito,+ 37 ang Kedemot at ang mga pastulan nito, at ang Mepaat at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
38 At mula sa tribo ni Gad:+ isang kanlungang lunsod para sa mga nakapatay, ang Ramot sa Gilead,+ at ang mga pastulan nito, ang Mahanaim+ at ang mga pastulan nito, 39 ang Hesbon+ at ang mga pastulan nito, at ang Jazer+ at ang mga pastulan nito—lahat-lahat, apat na lunsod.
-