-
1 Samuel 31:1-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
31 Ang mga Filisteo ngayon ay nakikipagdigma sa Israel.+ At tumakas ang mga mandirigmang Israelita mula sa mga Filisteo, at marami ang namatay sa Bundok Gilboa.+ 2 Pinuntirya ng mga Filisteo si Saul at ang mga anak niya, at napatay ng mga Filisteo sina Jonatan,+ Abinadab, at Malki-sua, na mga anak ni Saul.+ 3 Napasabak si Saul sa matinding labanan, at nakita siya ng mga mamamanà, at malubha siyang nasugatan ng mga ito.+ 4 Kaya sinabi ni Saul sa tagapagdala niya ng sandata: “Hugutin mo ang espada mo at saksakin mo ako, para hindi ang mga di-tuling lalaking iyon+ ang sumaksak sa akin at nang hindi nila ako mapahirapan.” Pero ayaw itong gawin ng tagapagdala niya ng sandata, dahil takot na takot ito. Kaya kinuha ni Saul ang espada at sinaksak ang sarili.+ 5 Nang makita ng tagapagdala ng sandata na patay na si Saul,+ sinaksak din nito ang sarili gamit ang sariling espada at namatay na kasama niya.
-