-
1 Samuel 31:11-13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
11 Nang mabalitaan ng mga taga-Jabes-gilead+ ang ginawa ng mga Filisteo kay Saul, 12 ang lahat ng mandirigma ay naglakbay nang magdamag, at tinanggal nila ang bangkay ni Saul at ng mga anak nito mula sa pader ng Bet-san. Bumalik sila sa Jabes at sinunog nila roon ang mga iyon. 13 Pagkatapos, kinuha nila ang mga buto ng mga ito+ at inilibing sa ilalim ng puno ng tamarisko sa Jabes,+ at nag-ayuno sila nang pitong araw.
-