-
Hukom 14:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Kaya si Samson ay bumaba sa Timnah kasama ang kaniyang ama at ina. Nang makarating siya sa mga ubasan ng Timnah, sinalubong siya ng isang leong umuungal! 6 Pinalakas siya ng espiritu ni Jehova,+ at hinati niya ito sa dalawa, na parang naghahati ng isang batang kambing gamit lang ang kamay. Pero hindi niya sinabi sa kaniyang ama o ina kung ano ang ginawa niya.
-
-
1 Samuel 17:36, 37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
36 Parehong pinabagsak ng inyong lingkod ang leon at ang oso, at ang di-tuling Filisteong ito ay magiging gaya ng isa sa mga iyon, dahil ininsulto* niya ang hukbo ng Diyos na buháy.”+ 37 Sinabi pa ni David: “Si Jehova, na nagligtas sa akin mula sa kuko ng leon at ng oso, siya ang magliligtas sa akin mula sa kamay ng Filisteong iyon.”+ Kaya sinabi ni Saul kay David: “Sige, lumaban ka, at sumaiyo nawa si Jehova.”
-
-
2 Samuel 23:20-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
20 Si Benaias+ na anak ni Jehoiada ay isang matapang na lalaki* na maraming ulit na nagpakita ng kagitingan sa Kabzeel.+ Pinabagsak niya ang dalawang anak ni Ariel ng Moab, at nang isang araw na umuulan ng niyebe, bumaba siya sa isang balon at pumatay ng leon.+ 21 Pinabagsak din niya ang isang lalaking Ehipsiyo na pambihira ang laki. May hawak na sibat ang Ehipsiyo, pero sinugod niya ito hawak ang isang pamalo at inagaw ang sibat sa kamay ng Ehipsiyo at pinatay ito gamit ang sarili nitong sibat. 22 Ito ang mga ginawa ni Benaias na anak ni Jehoiada, at may reputasyon siya na gaya ng sa tatlong malalakas na mandirigma. 23 Kahit mas kilala siya kaysa sa tatlumpu, hindi niya napantayan ang tatlo. Pero inatasan siya ni David na mamuno sa sarili nitong mga guwardiya.
-