-
2 Samuel 5:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
11 Si Haring Hiram+ ng Tiro ay nagpadala ng mga mensahero kay David, pati ng mga trosong sedro,+ mga karpintero, at mga mason para sa pagtatayo ng mga pader, at nagtayo sila ng bahay* para kay David.+ 12 At nalaman ni David na ginawang matibay ni Jehova ang paghahari niya sa Israel+ at ginawa siyang dakilang hari+ alang-alang sa Kaniyang bayang Israel.+
-