-
2 Samuel 7:21-24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
21 Alang-alang sa iyong salita at ayon sa iyong kalooban, ginawa mo ang lahat ng dakilang bagay na ito at isiniwalat sa iyong lingkod.+ 22 Iyan ang dahilan kung bakit ikaw ay talagang dakila,+ O Kataas-taasang Panginoong Jehova. Wala kang katulad,+ at walang Diyos maliban sa iyo;+ pinatutunayan ito ng lahat ng narinig namin. 23 At anong bansa sa lupa ang kagaya ng bayan mong Israel?+ Tinubos sila ng Diyos bilang kaniyang bayan,+ at gumawa siya ng pangalan para sa sarili niya+ sa pamamagitan ng paggawa ng dakila at kamangha-manghang mga bagay para sa kanila.+ Itinaboy mo ang mga bansa at ang mga diyos nila alang-alang sa iyong bayan, na tinubos mo mula sa Ehipto para sa iyong sarili. 24 Ginawa mong sarili mong bayan ang Israel sa habang panahon;+ at ikaw, O Jehova, ang naging Diyos nila.+
-