Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 26:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Pagkatapos ay sinabi ni David kay Ahimelec na Hiteo+ at kay Abisai+ na anak ni Zeruias+ at kapatid ni Joab: “Sino ang sasama sa akin sa kampo ni Saul?” Sumagot si Abisai: “Sasama ako sa iyo.”

  • 2 Samuel 3:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 30 Pinatay ni Joab at ng kapatid niyang si Abisai+ si Abner+ dahil pinatay nito ang kapatid nilang si Asahel sa labanan+ sa Gibeon.

  • 2 Samuel 10:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Ang iba pang sundalo ay inilagay niya sa pangunguna* ng kapatid niyang si Abisai,+ at humanay sila para makipagdigma sa mga Ammonita.+

  • 2 Samuel 20:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Pagkatapos, sinabi ni David kay Abisai:+ “Baka mas malala pa sa nagawa ni Absalom ang gawing pinsala+ sa atin ni Sheba+ na anak ni Bicri. Kunin mo ang mga lingkod ng iyong panginoon at habulin mo siya, para hindi siya makahanap ng mga napapaderang* lunsod at makatakas sa atin.”

  • 2 Samuel 21:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Pero sumaklolo+ agad si Abisai+ na anak ni Zeruias at pinatay ang Filisteo. Sa pagkakataong iyon, iginiit ng* mga tauhan ni David sa kaniya: “Huwag ka nang sumama sa amin sa pakikipaglaban!+ Huwag mong patayin ang lampara ng Israel!”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share