Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Samuel 8:15-18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 Patuloy na naghari si David sa buong Israel,+ at ang mga ginagawa ni David para sa buong bayan niya ay makatarungan at matuwid.+ 16 Si Joab+ na anak ni Zeruias ang pinuno ng hukbo, at si Jehosapat+ na anak ni Ahilud ang tagapagtala. 17 Si Zadok+ na anak ni Ahitub at si Ahimelec na anak ni Abiatar ang mga saserdote, at si Seraias ang kalihim. 18 Si Benaias+ na anak ni Jehoiada ang pinuno ng mga Kereteo at Peleteo.+ At ang mga anak ni David ay naging mga punong opisyal.*

  • 2 Samuel 23:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  3 Ang Diyos ng Israel ay nagsalita;

      Sinabi sa akin ng Bato ng Israel:+

      ‘Kapag ang namamahala sa sangkatauhan ay matuwid,+

      Na namamahalang may takot sa Diyos,+

       4 Gaya iyon ng liwanag sa umaga pagsikat ng araw,+

      Isang umagang maaliwalas.*

      Gaya iyon ng liwanag pagkatapos ng ulan,

      Na nagpapasibol ng mga damo sa lupa.’+

  • Awit 78:70-72
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 70 Pinili niya ang lingkod niyang si David+

      At kinuha ito mula sa mga kulungan ng tupa,+

      71 Mula sa pag-aalaga ng mga tupang nagpapasuso;

      Ginawa niya itong pastol ng Jacob, na bayan niya,+

      At ng Israel, na kaniyang mana.+

      72 Pinastulan niya* sila nang may tapat na puso+

      At inakay sila sa pamamagitan ng bihasang mga kamay.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share