Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 12:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 “Ito ang mga tuntunin at hudisyal na pasiya na dapat ninyong sunding mabuti habambuhay sa lupaing ibibigay sa inyo ni Jehova na Diyos ng inyong mga ninuno.

  • Deuteronomio 17:18, 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Kapag umupo na siya sa trono ng kaharian niya, gagawa siya ng sariling kopya* ng Kautusang ito, na iniingatan ng mga saserdoteng Levita.+

      19 “Mananatili iyon sa kaniya, at babasahin niya iyon sa bawat araw ng buhay niya,+ para matuto siyang matakot sa Diyos niyang si Jehova at masunod niya ang lahat ng salita sa Kautusang ito at ang mga tuntuning ito sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga iyon.+

  • Josue 1:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 Ang aklat na ito ng Kautusan ay dapat na maging bukambibig mo,+ at dapat mo itong basahin nang pabulong* araw at gabi, para masunod mong mabuti ang lahat ng nakasulat dito;+ sa gayon ay magtatagumpay ka at magiging marunong ka sa mga gagawin mo.+

  • 1 Hari 2:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Tuparin mo ang obligasyon mo kay Jehova na iyong Diyos sa pamamagitan ng paglakad sa kaniyang mga daan at pagsunod sa kaniyang mga batas, mga utos, mga kahatulan, at mga paalaala gaya ng nakasulat sa Kautusan ni Moises;+ sa gayon, magtatagumpay ka* anuman ang gawin mo at saan ka man magpunta.

  • 1 Cronica 28:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Gagawin kong matibay ang paghahari niya magpakailanman+ kung buong puso niyang susundin ang mga utos ko at hudisyal na pasiya,+ gaya ng ginagawa niya ngayon.’

  • Awit 19:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  8 Ang mga utos ni Jehova ay matuwid, nagpapasaya ng puso;+

      Ang batas ni Jehova ay malinis, nagbibigay ng liwanag sa mga mata.+

  • Awit 19:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Nagbibigay ang mga iyon ng babala sa lingkod mo;+

      Sa pagsunod sa mga iyon ay may malaking gantimpala.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share