-
1 Samuel 16:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 Nang maglaon, sinabi ni Jehova kay Samuel: “Hanggang kailan ka magdadalamhati para kay Saul+ ngayong itinakwil ko na siya mula sa pamamahala bilang hari sa Israel?+ Punuin mo ng langis ang sungay+ at lumakad ka na. Isusugo kita kay Jesse+ na Betlehemita, dahil pumili ako mula sa mga anak niya ng isang hari.”+
-
-
1 Samuel 17:28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
28 Nang marinig ng panganay niyang kapatid na si Eliab+ na nakikipag-usap siya sa mga lalaki, nagalit siya kay David at sinabi niya: “Bakit ka pumunta rito? At kanino mo iniwan ang kaunting tupang iyon sa ilang?+ Alam kong pangahas ka at masama ang intensiyon mo; pumunta ka lang dito para panoorin ang labanan.”
-