7 Pero sinabi ni Jehova kay Samuel: “Huwag kang tumingin sa hitsura niya at kung gaano siya katangkad;+ hindi ko siya pinili. Dahil ang pagtingin ng tao ay hindi gaya ng pagtingin ng Diyos. Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo,* pero si Jehova ay tumitingin sa puso.”+
17 Alam na alam ko, O aking Diyos, na sinusuri mo ang puso+ at nalulugod ka sa katapatan.*+ Taos-puso* kong inihahandog ang lahat ng ito, at masayang-masaya akong makita ang bayan mo na narito ngayon na kusang-loob na naghahandog sa iyo.
23 At papatayin ko ang mga anak niya sa pamamagitan ng nakamamatay na salot, para malaman ng lahat ng kongregasyon na ako ang sumusuri sa kaloob-looban ng isip* at sa puso, at ibibigay ko sa bawat isa sa inyo ang ayon sa mga ginagawa ninyo.+