-
Levitico 4:8-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 “‘Pagkatapos, kukunin niya ang lahat ng taba ng toro na handog para sa kasalanan: ang taba na nakapalibot sa mga bituka, ang taba na bumabalot sa mga bituka, 9 at ang dalawang bato pati ang taba ng mga iyon na malapit sa balakang. Kukunin din niya ang lamad* sa atay kasama ng mga bato.+ 10 Katulad iyon ng kinukuha sa toro na haing pansalo-salo.+ Susunugin iyon ng saserdote para pumailanlang ang usok mula sa altar ng handog na sinusunog.
-
-
1 Hari 8:64-66Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
64 Nang araw na iyon, kinailangang pabanalin ng hari ang gitna ng loobang nasa harap ng bahay ni Jehova para doon ihandog ang mga haing sinusunog, handog na mga butil, at ang taba ng mga haing pansalo-salo, dahil hindi kasya sa tansong altar+ na nasa harap ni Jehova ang mga haing sinusunog, handog na mga butil, at ang taba+ ng mga haing pansalo-salo. 65 Nang panahong iyon, ang kapistahan+ ay idinaos ni Solomon kasama ang buong Israel, isang malaking kongregasyon mula sa Lebo-hamat* hanggang sa Wadi* ng Ehipto,+ sa harap ni Jehova na ating Diyos nang 7 araw at nang karagdagan pang 7 araw, 14 na araw lahat-lahat. 66 Nang sumunod na araw,* pinauwi na niya ang mga tao, at pinagpala nila ang hari at umuwi silang nagsasaya at maligaya ang puso dahil sa lahat ng kabutihang+ ipinakita ni Jehova sa lingkod niyang si David at sa kaniyang bayang Israel.
-