-
1 Hari 7:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Ipinasundo ni Haring Solomon si Hiram+ mula sa Tiro. 14 Anak siya ng isang biyuda mula sa tribo ni Neptali, at ang ama niya ay taga-Tiro at isang panday-tanso;+ mayroon siyang pambihirang kasanayan, kaunawaan,+ at karanasan sa paggawa ng anumang bagay na yari sa tanso.* Dumating siya at ginawa ang lahat ng ipinagawa sa kaniya ni Haring Solomon.
-