Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 22:13-17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Kaya sinabi ng mensaherong isinugo para tawagin si Micaias: “Pabor sa hari ang sinasabi ng lahat ng propeta. Pakisuyo, ganoon din ang sabihin mo, at magsalita ka ng pabor sa hari.”+ 14 Pero sinabi ni Micaias: “Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova, kung ano ang sabihin ni Jehova sa akin, iyon ang sasabihin ko.” 15 Pagkatapos, pumunta siya sa hari, at tinanong siya ng hari: “Micaias, makikipaglaban ba kami sa Ramot-gilead o hindi?” Agad siyang sumagot: “Makipaglaban ka at magtatagumpay ka; ibibigay iyon ni Jehova sa kamay ng hari.” 16 Sinabi ng hari sa kaniya: “Ilang beses ba kitang panunumpain na katotohanan lang ang sasabihin mo sa akin sa ngalan ni Jehova?” 17 Kaya sinabi niya: “Nakikita ko ang lahat ng Israelita na nagkalat sa mga bundok,+ tulad ng mga tupang walang pastol. Sinabi ni Jehova: ‘Wala silang panginoon. Pabalikin sila nang payapa sa kani-kanilang bahay.’”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share