-
1 Hari 15:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 Kaya kinuha ni Asa ang lahat ng pilak at ginto na natira sa mga kabang-yaman ng bahay ni Jehova at sa mga kabang-yaman ng bahay* ng hari at ibinigay ito sa kaniyang mga lingkod. Pagkatapos, isinugo sila ni Haring Asa sa hari ng Sirya+ na nakatira sa Damasco, si Ben-hadad na anak ni Tabrimon na anak ni Hezion. Ipinasabi niya:
-
-
2 Hari 24:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 Sumuko si Jehoiakin na hari ng Juda sa hari ng Babilonya,+ kasama ang kaniyang ina, mga lingkod, mga pinuno, at mga opisyal sa palasyo;+ at binihag siya ng hari ng Babilonya sa ikawalong taon ng pamamahala nito.+ 13 Pagkatapos, kinuha ng hari ng Babilonya ang lahat ng kayamanan sa bahay ni Jehova at ang kayamanan sa bahay* ng hari.+ Pinagputol-putol niya ang lahat ng kagamitang ginto na ginawa ni Solomon na hari ng Israel sa templo ni Jehova.+ Nangyari ito gaya ng inihula ni Jehova.
-
-
2 Hari 25:13-15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 At pinagputol-putol ng mga Caldeo ang mga haliging tanso+ sa bahay ni Jehova at ang mga patungang de-gulong+ at ang malaking tipunan ng tubig+ na yari sa tanso na nasa bahay ni Jehova, at dinala nila sa Babilonya ang mga tanso.+ 14 Kinuha rin nila ang mga lalagyan ng abo, mga pala, mga pamatay ng apoy, mga kopa, at ang lahat ng kagamitang tanso na ginagamit sa paglilingkod sa templo. 15 Kinuha ng pinuno ng mga bantay ang mga lalagyan ng baga* at ang mga mangkok na yari sa tunay na ginto+ at pilak.+
-