-
2 Hari 16:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Noon sumalakay si Haring Rezin ng Sirya at si Peka na anak ni Remalias na hari ng Israel para makipagdigma sa Jerusalem.+ Pinalibutan nila si Ahaz, pero hindi nila nasakop ang lunsod. 6 Nang panahong iyon, isinauli ni Haring Rezin ng Sirya ang Elat+ sa Edom. Pagkatapos, itinaboy niya ang mga Judio* mula sa Elat. Pumasok ang mga Edomita sa Elat, at naninirahan sila roon hanggang ngayon.
-