-
1 Cronica 28:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 Ibinigay niya rito ang plano ng lahat ng bagay na isiniwalat sa kaniya sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos para sa mga looban*+ ng bahay ni Jehova, para sa lahat ng silid-kainan sa palibot nito, para sa mga kabang-yaman ng bahay ng tunay na Diyos, at para sa mga kabang-yaman ng mga bagay na pinabanal.*+ 13 Ibinigay rin niya ang mga tagubilin may kinalaman sa mga pangkat ng mga saserdote+ at ng mga Levita, sa lahat ng atas sa paglilingkod sa bahay ni Jehova, at sa lahat ng kagamitan sa paglilingkod sa bahay ni Jehova;
-
-
2 Cronica 8:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 At binigyan niya ng mga atas ang mga pangkat ng mga saserdote+ ayon sa tuntunin ng ama niyang si David. Inilagay rin niya ang mga Levita sa mga puwestong itinakda sa kanila, para pumuri+ at maglingkod sa harap ng mga saserdote ayon sa nakatakdang gawain sa araw-araw, at ang mga pangkat ng mga bantay sa iba’t ibang pintuang-daan,+ dahil ito ang iniutos ni David na lingkod ng tunay na Diyos.
-