Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hukom 2:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Kapag binibigyan sila ni Jehova ng mga hukom,+ tinutulungan ni Jehova ang hukom at inililigtas sila mula sa kamay ng mga kaaway nila habang nabubuhay ang hukom; naaawa si Jehova sa kanila+ kapag dumaraing sila dahil sa pagpapahirap+ at pagmamalupit sa kanila.

  • Hukom 3:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Nang humingi ng tulong ang mga Israelita kay Jehova,+ naglaan si Jehova ng magliligtas sa mga Israelita,+ si Otniel+ na anak ni Kenaz, na nakababatang kapatid ni Caleb.

  • Hukom 3:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 Pagkatapos, ang mga Israelita ay humingi ng tulong kay Jehova,+ kaya naglaan si Jehova ng isang tagapagligtas,+ si Ehud+ na anak ni Gera, isang kaliweteng Benjaminita.+ Nang maglaon, ang mga Israelita ay nagpadala sa kaniya ng tributo* para kay Eglon na hari ng Moab.

  • 1 Samuel 12:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Kaya isinugo ni Jehova si Jerubaal+ at si Bedan at si Jepte+ at si Samuel+ at iniligtas kayo mula sa kamay ng mga kaaway sa palibot ninyo, para makapamuhay kayo nang payapa.+

  • 2 Hari 13:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Nang maglaon, nakiusap si Jehoahaz kay* Jehova, at pinakinggan siya ni Jehova, dahil nakita Niya ang pagmamalupit ng hari ng Sirya sa Israel.+ 5 Kaya nagbigay si Jehova sa Israel ng isang tagapagligtas+ para palayain sila sa kamay ng Sirya, at muling nanirahan ang mga Israelita sa mga tahanan nila gaya noong una.*

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share