Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 15:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 “Kung maghirap ang kapatid mo sa isa sa mga lunsod sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, huwag mong patigasin ang puso mo o pagdamutan ang naghirap mong kapatid.+ 8 Dahil dapat kang maging bukas-palad sa kaniya,+ at pahiramin mo siya ng* anumang kailangan niya o kulang sa kaniya.

  • Awit 41:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 41 Maligaya ang sinumang tumutulong sa dukha;*+

      Ililigtas siya ni Jehova sa araw ng kapahamakan.

  • Kawikaan 19:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Ang tumutulong sa dukha ay nagpapautang kay Jehova,+

      At babayaran* Niya siya dahil sa ginawa niya.+

  • Lucas 6:34, 35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 34 Isa pa, kung nagpapahiram kayo sa mga taong inaasahan ninyong magbabayad, ano ang kahanga-hanga roon?+ Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram sa mga makasalanan dahil inaasahan nilang maibabalik sa kanila ang halagang ipinahiram nila. 35 Sa halip, patuloy na mahalin ang mga kaaway ninyo at gumawa ng mabuti at magpahiram nang hindi umaasa ng anumang kabayaran;+ at magiging malaki ang gantimpala ninyo, at kayo ay magiging mga anak ng Kataas-taasan, dahil mabait siya sa mga walang utang na loob at masasama.+

  • Gawa 20:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 35 Sa lahat ng bagay, ipinakita ko sa inyo na kailangan ninyong magpagal+ sa pagtulong sa mahihina. At lagi ninyong tandaan ang sinabi mismo ng Panginoong Jesus: ‘May higit na kaligayahan sa pagbibigay+ kaysa sa pagtanggap.’”

  • Hebreo 13:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Bukod diyan, huwag ninyong kalimutang gumawa ng mabuti at magbahagi sa iba ng kung ano ang mayroon kayo,+ dahil nalulugod ang Diyos sa gayong mga handog.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share