-
Josue 7:24, 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
24 At kinuha ni Josue, kasama ng buong Israel, si Acan+ na anak ni Zera, ang pilak, ang mamahaling damit, at ang bara ng ginto,+ at ang kaniyang mga anak na lalaki at babae, ang kaniyang toro, asno, kawan, tolda, at ang lahat ng sa kaniya, at dinala nila ang mga ito sa Lambak* ng Acor.+ 25 Sinabi ni Josue: “Bakit mo kami ipinahamak?+ Ipapahamak ka ni Jehova sa araw na ito.” Pagkatapos, pinagbabato siya ng buong Israel;+ at pinagbabato rin nila ang iba pang kasama niya, at saka sila sinunog lahat.+
-
-
Esther 9:24, 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
24 Dahil si Haman+ na anak ni Hamedata na Agagita,+ na kaaway ng lahat ng Judio, ay nagplanong puksain ang mga Judio,+ at ipinahagis niya ang Pur,+ ang pitsa sa palabunutan, para takutin sila at puksain. 25 Pero nang humarap si Esther sa hari, nagbigay ito ng nasusulat na utos:+ “Gawin mismo sa kaniya* ang masama niyang pakana laban sa mga Judio”;+ at ibinitin nila siya at ang mga anak niya sa tulos.+
-