30 Dumaan ako sa tabi ng bukid ng taong tamad,+
Sa tabi ng ubasan ng taong kulang sa unawa.
31 Nakita kong tinubuan na ito ng panirang-damo;
Natabunan ito ng matitinik na halaman,
At giba ang batong pader nito.+
32 Nakita ko ito at isinapuso;
Nakita ko ito at natutuhan ang aral na ito:
33 Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip,
Kaunti pang paghahalukipkip para magpahinga,
34 At biglang darating sa iyo ang kahirapan na parang magnanakaw,
At ang kakapusan na parang armadong lalaki.+