-
Genesis 33:12-14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 Nang maglaon, sinabi ni Esau: “Maglakbay na tayo, at hayaan mo akong manguna sa daan.” 13 Pero sinabi niya rito: “Alam ng panginoon ko na maliliit pa ang mga bata+ at mayroon din akong mga tupa at baka na may mga pasusuhin. Kapag minadali ang mga ito sa paglalakbay kahit isang araw lang, mamamatay ang buong kawan. 14 Pakisuyo, mauna na ang panginoon ko sa lingkod niya, pero magpapatuloy ako nang mas mabagal, ayon sa bilis ng mga alaga kong hayop at ng mga bata hanggang sa makarating ako sa aking panginoon sa Seir.”+
-