-
1 Hari 2:23, 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
23 Pagkatapos, sumumpa si Haring Solomon sa ngalan ni Jehova: “Bigyan nawa ako ng Diyos ng mabigat na parusa kung hindi mamatay si Adonias dahil sa hiniling niyang ito. 24 At ngayon, isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova, na nagpaupo sa akin sa trono ng ama kong si David at nagpatatag ng pamamahala ko+ at nagtatag ng isang sambahayan* para sa akin,+ gaya ng ipinangako niya—sa araw na ito ay papatayin si Adonias.”+
-