-
2 Samuel 15:32-34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
32 Nang makarating si David sa tuktok ng bundok kung saan yumuyukod noon sa Diyos ang bayan, naroon si Husai+ na Arkita+ para salubungin siya; punít ang damit nito at may lupa sa ulo. 33 Pero sinabi ni David dito: “Kung sasama ka sa akin sa pagtawid, magiging pabigat ka sa akin. 34 Pero kung babalik ka sa lunsod at sasabihin mo kay Absalom, ‘Lingkod mo ako, O Hari. Dati akong lingkod ng iyong ama, pero ngayon ay lingkod mo na ako,’+ matutulungan mo akong biguin ang plano ni Ahitopel.+
-