-
2 Samuel 12:8-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 Ibinigay ko sa iyo ang sambahayan ng iyong panginoon+ at inilagay ang mga asawa ng iyong panginoon+ sa bisig mo, at ibinigay ko sa iyo ang sambahayan ng Israel at ng Juda.+ At kung hindi pa sapat ang mga iyon, handa kong gawin ang higit pa para sa iyo.+ 9 Bakit mo hinamak ang salita ni Jehova at ginawa ang masama sa paningin niya? Pinabagsak mo si Uria na Hiteo sa pamamagitan ng espada!+ Pagkatapos, kinuha mo bilang asawa ang asawa niya+ matapos mong patayin si Uria sa pamamagitan ng espada ng mga Ammonita.+ 10 Ngayon, hindi kailanman iiwan ng espada ang sarili mong sambahayan,+ dahil hinamak mo ako nang kunin mo bilang asawa ang asawa ni Uria na Hiteo.’
-