-
Eclesiastes 9:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 May isang maliit na lunsod na kaunti lang ang mga lalaki; sinalakay iyon ng isang makapangyarihang hari, at nagtayo siya ng matibay na harang sa palibot nito. 15 Doon ay may isang mahirap pero marunong na lalaki, at nailigtas niya ang lunsod dahil sa karunungan niya. Pero wala nang nakaalaala sa mahirap na taong iyon.+
-
-
Santiago 2:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 Kung dumating sa pagtitipon ninyo ang isang taong may suot na mga singsing na ginto at magarang damit, at pumasok din ang isang taong mahirap na marumi ang damit, 3 inaasikaso ba ninyong mabuti ang nakasuot ng magarang damit at sinasabi, “Dito ka umupo sa magandang puwesto,” at sinasabi ba ninyo sa mahirap, “Tumayo ka na lang,” o, “Diyan ka umupo sa ibaba ng tuntungan ko”?+
-