-
Kawikaan 23:29-35Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
29 Sino ang may problema? Sino ang di-mapakali?
Sino ang nakikipagtalo? Sino ang may reklamo?
Sino ang may mga sugat nang walang dahilan? Sino ang may mapupulang mata?*
31 Huwag kang tumingin sa mapulang kulay ng alak;
Kumikislap ito sa baso at humahagod nang suwabe,
32 Pero sa huli ay nanunuklaw itong gaya ng ahas
At naglalabas ng lason na gaya ng ulupong.
35 Sasabihin mo: “Pinalo nila ako, pero hindi ko naramdaman.*
Hinampas nila ako, pero hindi ko namalayan.
Kailan ako magigising?+
Gusto ko pang uminom.”*
-