-
Nehemias 9:29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
29 Kahit nagbabala ka sa kanila para manumbalik sila sa iyong Kautusan, naging pangahas pa rin sila at hindi nakinig sa iyong mga utos;+ nagkasala sila dahil nilabag nila ang iyong mga batas, na kung susundin ng isang tao ay magdudulot ng buhay sa kaniya.+ Tinalikuran ka nila at nagrebelde sila,* at hindi sila nakinig.
-
-
Jeremias 16:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 Pero mas masahol pa ang ginawa ninyo kaysa sa ginawa ng mga ninuno ninyo,+ at bawat isa sa inyo ay nagmamatigas sa pagsunod sa kaniyang masamang puso sa halip na sumunod sa akin.+ 13 Kaya mula sa lupaing ito ay itatapon ko kayo sa lupaing hindi ninyo alam at hindi alam ng mga ninuno ninyo,+ at doon ay maglilingkod kayo sa ibang diyos araw at gabi,+ dahil hindi ako maaawa sa inyo.”’
-