Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 8:11, 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Sinabi niya: “Ito ang karapatang gawin ng haring mamamahala sa inyo:+ Kukunin niya ang inyong mga anak na lalaki+ at ilalagay sila sa kaniyang mga karwahe*+ at gagawing mga mangangabayo,+ at ang ilan ay patatakbuhin niya sa unahan ng kaniyang mga karwahe. 12 At mag-aatas siya para sa kaniyang sarili ng mga pinuno ng libo-libo+ at mga pinuno ng lima-limampu,+ at ang ilan ay mag-aararo para sa kaniya,+ gagapas para sa kaniya,+ at gagawa ng kaniyang mga sandata at mga gamit sa karwahe.+

  • 1 Hari 4:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Si Solomon ay may 12 kinatawang opisyal sa buong Israel na naglalaan ng pagkain sa hari at sa sambahayan niya. Pananagutan ng bawat isa na maglaan ng pagkain sa loob ng isang buwan sa isang taon.+

  • 2 Cronica 26:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Bukod diyan, nagtayo si Uzias ng mga tore+ sa Jerusalem sa tabi ng Panulukang Pintuang-Daan,+ Pintuang-Daan ng Lambak,+ at ng Sumusuportang Haligi, at pinatatag niya ang mga iyon. 10 Nagtayo rin siya ng mga tore+ sa ilang at humukay* ng maraming imbakan ng tubig (dahil napakarami niyang alagang hayop); ganoon din ang ginawa niya sa Sepela at sa kapatagan.* Mayroon siyang mga magsasaka at mga tagapag-alaga ng ubasan sa mga bundok at sa Carmel, dahil hilig niya ang agrikultura.

  • Awit ni Solomon 8:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 May ubasan si Solomon+ sa Baal-hamon.

      Ipinagkatiwala niya ang ubasan sa mga tagapag-alaga.

      Bawat isa ay nagbibigay ng isang libong pirasong pilak para sa mga bunga nito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share