49 Pero sinabi ng isa sa kanila, si Caifas,+ ang mataas na saserdote nang taóng iyon: “Wala kayong alam. 50 Hindi ba ninyo nakikita na mas mabuti para sa inyo na isang tao ang mamatay alang-alang sa bayan kaysa sa buong bansa ang mapahamak?”+
26 Kung hindi gayon, kailangan niyang magdusa nang madalas mula nang itatag ang sanlibutan. Pero ngayon ay naihayag na niya ang sarili niya nang minsanan sa katapusan ng mga sistemang ito* para alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng sarili niya.+