Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 45:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  6 Ang Diyos ang trono mo magpakailanman;+

      Ang setro ng iyong kaharian ay setro ng katuwiran.*+

  • Awit 72:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 72 O Diyos, ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan,

      At ituro mo ang iyong katuwiran sa anak ng hari.+

  • Isaias 9:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  7 Ang paglawak ng pamamahala* niya

      At ang kapayapaan ay hindi magwawakas+

      Sa trono ni David+ at sa kaniyang kaharian

      Para itatag ito nang matibay+ at panatilihin

      Sa pamamagitan ng katarungan+ at katuwiran,+

      Ngayon at magpakailanman.

      Mangyayari ito dahil sa sigasig ni Jehova ng mga hukbo.

  • Isaias 11:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  4 Hahatulan niya nang patas* ang mga dukha,

      At sasaway siya nang makatarungan alang-alang sa maaamo sa lupa.

      Hahampasin niya ang lupa sa pamamagitan ng tungkod na galing sa bibig niya,+

      At papatayin niya ang masasama sa hininga* ng mga labi niya.+

       5 Katuwiran ang magiging sinturon sa baywang niya,

      At katapatan ang sinturon sa balakang niya.+

  • Jeremias 23:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 “Darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na magpapasibol ako mula kay David ng isang matuwid na sibol.*+ At isang hari ang mamamahala+ nang may unawa at magtataguyod ng katarungan at katuwiran sa lupain.+

  • Zacarias 9:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  9 Magsaya ka nang lubos, O anak na babae ng Sion.

      Sumigaw ka nang may pagbubunyi, O anak na babae ng Jerusalem.

      Tingnan mo! Ang iyong hari ay dumarating sa iyo.+

      Siya ay matuwid, nagliligtas,*

      Mapagpakumbaba+ at nakasakay sa asno,

      Sa isang bisiro,* na anak ng babaeng asno.+

  • Hebreo 1:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Inibig mo ang katuwiran at kinapootan ang kasamaan.* Kaya naman ang Diyos, ang iyong Diyos, ay nagpahid sa iyo ng langis+ ng kagalakan nang higit kaysa sa mga kasamahan mo.”+

  • Apocalipsis 19:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Nakita kong bumukas ang langit, at nakita ko ang isang puting kabayo.+ At ang nakasakay roon ay tinatawag na Tapat+ at Totoo,+ at siya ay humahatol at nakikipagdigma ayon sa katuwiran.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share