Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 26:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 At magdadala ako ng kapayapaan sa lupain,+ at hihiga kayo at walang tatakot sa inyo;+ at aalisin ko sa lupain ang mababangis na hayop, at walang gagamit ng espada para makipagdigma sa inyo.

  • Isaias 11:6-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  6 Ang lobo* ay magpapahingang kasama ng kordero,*+

      Ang leopardo ay hihigang kasama ng batang kambing,

      At ang guya* at ang leon at ang pinatabang hayop ay magsasama-sama;*+

      At isang munting bata ang aakay sa kanila.

       7 Ang baka at ang oso ay magkasamang manginginain;

      At ang mga anak ng mga ito ay hihigang magkakasama.

      Ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro.+

       8 Ang batang pasusuhin ay maglalaro sa may lungga ng kobra;

      At ang batang inawat sa pagsuso ay maglalagay ng kamay niya sa lungga ng makamandag na ahas.

       9 Hindi sila mananakit+

      O maninira sa aking buong banal na bundok,+

      Dahil ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman tungkol kay Jehova

      Gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.+

  • Isaias 35:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  9 Hindi magkakaroon doon ng leon,

      At hindi pupunta roon ang mababangis na hayop.

      Hindi sila makikita roon;+

      Ang mga tinubos lang ang lalakad doon.+

  • Isaias 65:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 25 Ang lobo* at ang kordero* ay manginginaing magkasama,

      Ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro,+

      At ang kakainin ng ahas ay alabok.

      Hindi sila mananakit o maninira sa aking buong banal na bundok,”+ ang sabi ni Jehova.

  • Oseas 2:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Sa araw na iyon, makikipagtipan ako sa mababangis na hayop sa parang alang-alang sa bayan ko,+

      Pati sa mga ibon sa langit at gumagapang na nilikha sa lupa;+

      Aalisin ko sa lupain ang pana at espada at digmaan,+

      At maninirahan* sila nang panatag.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share