-
Ezekiel 38:4-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 Ililihis kita sa landas mo at lalagyan ko ng mga kawit ang mga panga mo+ at ilalabas kita kasama ang iyong buong hukbo,+ mga kabayo at mangangabayo, na magaganda ang pananamit, isang napakalaking hukbo na may malalaking kalasag at mga pansalag,* lahat ay humahawak ng espada; 5 kasama nila ang Persia, Etiopia, at Put,+ lahat sila ay may pansalag at helmet; 6 pati ang Gomer at lahat ng hukbo nito, ang sambahayan ni Togarma+ na mula sa pinakamalalayong bahagi sa hilaga, kasama ang lahat ng hukbo nito—maraming bayan ang kasama mo.+
-
-
Apocalipsis 19:17, 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
17 Nakita ko rin ang isang anghel na nasa sinag ng araw, at sumigaw siya nang malakas at nagsabi sa lahat ng ibon na lumilipad sa himpapawid:* “Halikayo rito, matipon kayo sa malaking handaan* ng Diyos,+ 18 para makain ninyo ang laman ng mga hari at ang laman ng mga kumandante ng militar at ang laman ng malalakas na tao+ at ang laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay sa mga ito,+ at ang laman ng lahat, ng mga taong malaya pati ng mga alipin at ng mga hamak at ng mga dakila.”
-