Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 23:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 “Dadalhin mo sa bahay ni Jehova na iyong Diyos ang pinakamainam sa mga unang hinog na bunga ng iyong lupa.+

      “Huwag mong pakukuluan ang batang kambing sa gatas ng ina nito.+

  • Bilang 18:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 Sinabi pa ni Jehova kay Aaron: “Ako mismo ang nag-aatas sa iyo sa pag-iingat ng mga abuloy para sa akin.+ Ibinibigay ko sa iyo at sa iyong mga anak bilang permanenteng paglalaan ang isang bahagi ng lahat ng banal na bagay na iniabuloy ng mga Israelita.+

  • Bilang 18:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 “Ibinibigay ko sa iyo ang lahat ng pinakamainam na langis at lahat ng pinakamainam na bagong alak at butil, ang mga unang bunga nila,+ na ibinibigay nila kay Jehova.+

  • Bilang 18:26, 27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 26 “Sabihin mo sa mga Levita, ‘Tatanggapin ninyo mula sa mga Israelita ang ikasampung bahagi na ibinibigay ko sa inyo bilang mana,+ at mula sa ikasampung bahaging iyon, dapat ninyong iabuloy kay Jehova ang ikasampung bahagi nito.+ 27 At ituturing iyon na abuloy ninyo, na para bang mga butil iyon ng sarili ninyong giikan+ o saganang alak o langis mula sa inyong pisaan ng ubas at pisaan para sa langis.

  • Deuteronomio 18:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Dapat ninyong ibigay sa kaniya ang unang bunga ng inyong mga butil, bagong alak, at langis at ang unang ginupit na balahibo mula sa inyong kawan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share