Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 21:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Nagpadanak din si Manases ng napakaraming dugo ng inosenteng mga tao hanggang sa mapuno niya ang buong Jerusalem;+ hindi pa kasama rito ang kasamaang ginawa niya nang udyukan niya ang Juda na magkasala at gumawa ng masama sa paningin ni Jehova.

  • 2 Hari 24:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Nangyari ito sa Juda ayon sa utos ni Jehova, para maalis niya sila sa harapan niya+ dahil sa lahat ng kasalanang ginawa ni Manases,+ 4 at dahil din sa pinadanak nitong dugo ng inosenteng mga tao;+ pinuno nito ang Jerusalem ng dugo ng inosenteng mga tao at ayaw magpatawad ni Jehova.+

  • Jeremias 2:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 34 Ang damit mo ay namantsahan ng dugo ng mga dukhang walang-sala,+

      Kahit hindi ko sila nakitang nanloloob;

      Punô ng mantsa ng dugo ang damit mo.+

  • Ezekiel 9:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Sinabi niya: “Talagang napakalaki ng kasalanan ng sambahayan ng Israel at ng Juda.+ Dumadanak ang dugo sa lupain,+ at ang lunsod ay punô ng kasamaan.+ Dahil sinasabi nila, ‘Iniwan na ni Jehova ang lupain, at walang nakikita si Jehova.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share