-
Isaias 11:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
11 Sa araw na iyon, muling iaabot ni Jehova ang kamay niya, sa ikalawang pagkakataon, para kunin ang mga natira sa bayan niya na nasa Asirya,+ Ehipto,+ Patros,+ Cus,+ Elam,+ Sinar,* Hamat, at mga isla sa dagat.+ 12 Maglalagay siya ng isang palatandaan* para sa mga bansa at titipunin niya ang mga nangalat mula sa Israel,+ at titipunin niya mula sa apat na sulok ng mundo ang mga nangalat na taga-Juda.+
-
-
Jeremias 30:10, 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10 “At ikaw, Jacob na lingkod ko, huwag kang matakot,” ang sabi ni Jehova,
“At huwag kang mangilabot, O Israel.+
Dahil ililigtas kita mula sa malayo
At ang mga supling mo mula sa lupain kung saan sila binihag.+
Babalik ang Jacob at magiging panatag at tiwasay,
At walang sinumang tatakot sa kanila.”+
11 “Dahil kasama mo ako,” ang sabi ni Jehova, “at ililigtas kita.
-
-
Ezekiel 34:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Ilalabas ko sila mula sa mga bayan at titipunin mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa lupain nila at pakakainin sa mga bundok ng Israel,+ sa tabi ng mga batis at ng lahat ng lugar sa lupaing may nakatira. 14 Pakakainin ko sila sa magandang pastulan, at manginginain sila sa matataas na bundok ng Israel.+ Hihiga sila doon sa madamong lupain+ at manginginain sa magagandang pastulan sa mga bundok ng Israel.”
-