-
Exodo 32:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
11 Pero nakiusap si Moises sa* Diyos niyang si Jehova+ at nagsabi: “O Jehova, bakit mo ilalabas ang matinding galit mo sa iyong bayan matapos mo silang palayain mula sa Ehipto sa pamamagitan ng iyong malakas na kapangyarihan at malakas na kamay?+ 12 Bakit hahayaan mong sabihin ng mga Ehipsiyo, ‘Masama ang plano niya nang ilabas niya sila. Gusto niya silang patayin sa mga bundok at lipulin mula sa lupa’?+ Pahupain mo ang iyong matinding galit at huwag mong ituloy* ang pasiya mong lipulin ang bayan mo.
-
-
Josue 2:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Sinabi niya sa kanila: “Alam kong ibibigay sa inyo ni Jehova ang lupain.+ Takot na takot kami sa inyo.+ Ang lahat ng nakatira sa lupain ay pinanghihinaan ng loob dahil sa inyo.+ 10 Narinig namin kung paano tinuyo ni Jehova ang tubig ng Dagat na Pula sa harap ninyo nang lumabas kayo mula sa Ehipto,+ at kung ano ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng mga Amorita na sina Sihon+ at Og,+ na pinuksa ninyo sa kabilang ibayo* ng Jordan.
-
-
1 Samuel 4:7, 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 Natakot ang mga Filisteo. Sinabi nila: “Ang Diyos ay pumasok sa kampo!”+ Kaya sinabi nila: “Paano na tayo? Ngayon lang nangyari ito! 8 Paano na tayo? Sino ang magliligtas sa atin mula sa kamay ng dakilang Diyos na ito? Ito ang Diyos na pumatay ng napakaraming Ehipsiyo sa ilang sa iba’t ibang paraan.+
-